Samsung ang brand na may pinakapositibong pagtanggap sa Pilipinas

Samsung ang brand na may pinakapositibong pagtanggap sa Pilipinas
sa

Ipinapakita rin sa data ng YouGov na ang Penshoppe ang nakaranas ng pinakamalaking pagtaas sa rate ng pagkaepektibo ng brand nito sa nakalipas na taon para sa mga Pilipinong consumer

Samsung ang muling nanguna sa taunang mga ranking sa pagkaepektibo ng brand ng YouGov BrandIndex para sa Pilipinas. Sa isang listahang nagtatampok ng maraming pandaigdigang brand, ang manufacturer ng device na ito ang namamayani sa pinakamataas na antas para sa pangalawang pagkakataon sa magkasunod na taon.

Komportable itong nangunguna pagdating sa dental na brand kaysa sa Colgate na nasa ikalawa, produkto para sa personal na hygiene na Safeguard na nasa ikatlo, at manufacturer ng mga toiletry na Dove na nasa ikaapat na posisyon. Ang kumpanya ng pananamit na Bench ay nasa ikalima, mas mataas sa tagagawa ng electronics na LG na nasa ikaanim.

Ang listahan ay kinukumpleto ng produkto para sa hair care na Cream Silk (ikapito), fashion retailer na Penshoppe (ikawalo), parmasyutikong kumpanyang Green Cross (ikasiyam), at brand ng pangangalaga sa balat at katawan na Nivea (ikasampu).

Ang mga ranking ay batay sa score sa Index ng YouGov BrandIndex, na sumusukat sa pangkalahatang pagkaepektibo ng brand. Isinasaalang-alang sa score ang pagtingin ng mga consumer sa pangkalahatang kalidad, halaga, impresyon, reputasyon ng brand, kasiyahan sa brand at kung irerekomenda ng mga consumer ang brand sa iba.

 

Pagkaepektibo ng brand na may pinakahigit na progreso

Sinuri din ng YouGov kung sino ang nakakita ng pinakamalaking progreso sa pagkaepektibo ng brand sa nakalipas na taon. Penshoppe ang nakakita ng pinakamalaking pagsulong sa mga Pilipino sa nakalipas na 12 buwan at nakitang tumaas ang score nito nang +7.8 na puntos. Mas nangunguna ito sa manufacturer ng device na Samsung, na nasa ikalawang puwesto na may pagtaas na +4.8. Ang toothpaste na Closeup ay nasa ikatlo, na nakitang tumaas ang score nito nang +4.2 sa nakalipas na taon. Ang nangungunang lima ay kinukumpleto ng brand ng personal na hygiene na Rexona at kumpanya ng mga pinansyal na serbisyo na Landbank (parehong +4.1).

 

Mga pandaigdigang ranking

Inilabas din ng YouGov ang pandaigdigang taunang mga ranking sa pagkaepektibo ng brand para sa 2018. Ang mga ranking na ito ay batay sa anim na milyong panayam na isinagawa sa 26 na bansa.

Nanguna ang Google sa taunang pandaigdigang mga ranking sa pagkaepektibo ng brand, na sinusundan ng YouTube. Umangat nang isang puwesto ang Samsung mula noong nakaraang taon at umakyat sa ikatlong puwesto, gayundin ang serbisyo sa messenger na WhatsApp, na umangat sa ikaapat. Gayunpaman, ang parent na kumpanya ng WhatsApp, ang Facebook, ay bumaba nang dalawang puwesto papunta sa ikalima. Habang nananatiling ikaanim sa listahan ang Amazon, at nakapasok naman ang IKEA at Lego sa mga ranking sa ikapito at ikasampu, ayon sa pagkakasunod-sunod.