Sina Angelina Jolie at Bill Gates ang mga pinakahinahangaang tao sa mundo ngayong 2018

Sina Angelina Jolie at Bill Gates ang mga pinakahinahangaang tao sa mundo ngayong 2018
sa

Sina Bill Gates at Angelina Jolie ay muling pinakahinahangaang lalaki at babae sa pag-aaral ng YouGov ng mga pampublikong figure na tinitingala ng mga tao sa ating planeta.

Ang tech pioneer at pilantropong Gates at nangunguna sa listahan sa tuwing ginagawa ng YouGov ang survey, habang si Jolie ay nanguna rin sa bawat tatlong survey mula noong 2015 noong sinimulan ang magkahiwalay na kategorya ng lalaki at babae.

Sa taong ito, pinalawak ang pag-aaral para sakupin ang mga pananaw ng mga tao sa 35 bansa – ang pinakamarami – at nangangahulugan na kinapanayam ng YouGov ang mahigit sa 37,000 tao para pagsamahin ang listahan.

Nangunguna ang mga entertainer sa panguanhing dalawampu ng mga babae, na ang 14 ng mga pinakahinahangaang babae ay mga artista, mang-aawit o mga presenter sa TV (bagaman ang ila, tulad ni Emma Watson at Angelina Jolie, ay napapansin din para sa kawanggawang gawain nila). Sa kabila nito, ang listahan ng pinakahinahangaang lalaki ay naglalaman ng mas maraming tao mula sa politika, negosyo at palakasang pinagmulan.

Ang dating presidential couple ng US na sina Barack at Michelle Obama ay umookupa sa pangalawang lugar, kinakatawan ang tatlong posisyong pagtaas para kay Michelle at walang pagbabago para kay Barack. Ang ika-44 na presidente ng Amerika at 15 lugar na mas mataas kaysa sa lalaking pumalit sa kanya – na si Donald Trump ay tumaas ng isang lugar mula sa huling pag-aaral. Ang totoo ay ang huling presidente ng US ay nakaranggo ng mas mataas sa kasalukuyan sa lahat ng bansang na-survey, maliban sa isa: Russia.

Kinalkula ang mga resulta mula sa kumbinasyon ng mga sagot sa dalawang tanong – kung ang sumasagot ay humahanga sa figure at kung ito ang figure na pinakahinahangaan ng sumasagot. Ang resulta ng bawat bansa sa pandaigdigang pagsasama-sama ay titimbangin din para ikatawan ang laki ng populasyon ng bansa. (Ang buong metodolohiya ay nasa ibaba)

Sa listahan ng pandaigdigang lamang na figure, si Obama ay nagraranggong una sa 19 bansa, kumpara lang sa 6 kay Bill Gates. Subalit, dahil hindi maganda ang pagganap ng dating presidente sa mga bansang malaki ang populasyon tulad ng Tsina (ika-7) at Russia (ika-12), si Gates – na nasa pangunahing apat sa bawat bansang nakalista –ay nakakamit ng pangunahing lugar.

Ang American TV host na si Oprah Winfrey ay tumaas ng isang posisyon para maging ikatlong pinakahinahangaang babae sa mundo, tinalunan sina Queen Elizabeth II at Hillary Clinton na bumaba sa ika-apat at ika-limang lugar bilang naaayon.

Sa mga pampublikong figure na nanatiling nasa pandaigidgang panguanhing 20 mula noong huli, si Emma Watson ang nakakita ng pinakamalaking pagtaas sa pagraranggo na tumaas mula ika-13 sa 2016 sa ika-anim sa taong ito. Ang nakakaranas din ng kapansin-pansingpagtaas ay ang American singer na si Taylor Swift (mula ika-14 hanggang ika-siyam) at ang Chinese business magnate na si Jack Ma (mula ika-10 hanggang ika-lima).

Mga lokal na figure at buong metodolohiya

Noong Disyembre, kumalap ang YouGov ng mga open-ended na nominasyon mula sa mga panelist sa 35 bansa, tinatanong lang sila: “Isipin ang mga taong buhay sa mundo ngayon, sinong [lalaki o babae] ang pinakahinahangaan mo?” Ang mga nominasyong ito ay ginamit para pagsamahin ang listahan ng 20 lalaki at 20 babae na nakatanggap ng pinakamaraming nominasyon at nanomina sa hindi bababa sa apat na bansa. Ang karagdagang 10 popular na lokal na figure ay idinagdag sa mga listahan para sa mga indibiduwal na bansa. 

Sa pagsisimula ng taon, ginamit namin ang mga listahan para i-poll ang bawat 35 bansa at nagtanong ng dalawang tanong: “sino ang tunay mong hinahangaan?”, kung saan ang mga sumasagot ay maaaring gumawa ng maramihang pagpili, at “sino ang PINAKA-hinahangaan mo?”, kung saan sila makakalili ng isa lamang. Ang dalawang numerong ito ay pinagsama sa porsiyentong bahagi ng paghanga. Sa pagtanong sa mga sumasagot ng dalawang tanong na ito, mauunawaan natin ang lawak (iyon ay, pandaigdigang naaabot) at tindi ng suporta ng tao.

Magkasamam nag-poll kami sa mga bansa na bumubuo ng mahigit sa dalawa-sa-tatlo ng populasyon ng mundo. Subalit, ang ilang bahagi ng mundo ay mas mahusay na kinakatawan kaysa sa iba, kaya tinimbang namin ang epekto ng ilang mga bansa sa mga huling score at tinimbang pababa ang iba upang ang mga pandaigdigan na iskor ay mas tumpak na sumasalamin sa paghahati ng damdamin sa mundo sa pangkalahatan.

Lahat ng mga survey ay isinagawa online, at sa maraming bansa ang pagpasok ng internet ay mababa sa punto kung saan ang sample ay masasabi lang na kinatawan ng online na populasyon. Ang mga bansa kung saan ang online na populasyon ay mas mababa sa 60% ng kabuuan ay Brazil, China, Egypt, India, Indonesia, Mexico, Morocco, Pakistan, the Philippines, South Africa, Thailand at Vietnam.