Dalawa sa tatlo ng mga gumagamit ng social media ay magpapa-sonsor sa mga brand sa kanilang mga litr

Dalawa sa tatlo ng mga gumagamit ng social media ay magpapa-sonsor sa mga brand sa kanilang mga litr
sa

Nalaman ng YouGov na maraming Filipino ang magpapahintulot sa mga brand na gusto nila na gamitin sila para sa advertising sa kakaiba at mga personal na paraan

Noong Oktubre, legal na binaggo ng lalaking British ang kanyang gitnang pangalan para maipakita ang pagmamahal niya sa isa sa mga paborito niyang brand.Ginawa ito ni  Nathan Yorkshire Tea Garner matapos sabihin ng kasamahan na ang kanyang 20 tasa kada araw na habit ay nangangahulugan na dapat siguro niyang baguhin ang kanyang pangalan.

Habang ginawa ni Mr Garner ang mga hakbang para ipakita ang pagmamahal niya sa Yorkshire Tea ng kusa (bagaman ginantimpalaan siya ng kompanya sa dedikasyon niya ng goody bag), ilang tao ang masisiyahan na lapitan sila ng mga brand nang direkta para ma-advertise ang produkto nila sa kakaiba at mga personal na paraan? 

Pinapakita ng bagong YouGov Omnibus na pananaliksik na 10% ng mga Filipino ay susunod sa yapak ni Nathan Yorkshire Tea Garner at nanaising baguhin ang una nilang pangalan sa brand na gusto nila). Subalit, mas popular ang ilang mga paraan ng pag-sponsor.

Social media

Nagsimula nang mag-advertise ang mga brand sa pamamagitan ng pagbabayad sa mga popular na gumagamit ng social media (mga tinatawag na "influencer") para i-promote ang mga produkto sa mga hukbo ng mga sumusunod sa kanila. Subalit, habang walang pagkakataong kasalukuyang magagamit ng mayorya ng mga gumagamit ng social media, may pagnanasa para dito.

Dalawa sa tatlo (63%) ng mga gumagamit ng social media ang papayag na maglagay ng logo ng brand at mga salitang “sponsored by” sa ibabang kanto ng kanilang profile photo sa lahat ng kanilang mga social media account. Gayundin, 67% ang papayag na pahintulutan ang brand na gawin din ito para sa bawat post sa social media.

Sa pagtingin sa mga kamakailang gumagamit ng mga indibiduwal na social network ay nagpapakita na ang mga gumagamit ng WeChat at Twitter ay pinakamalamang na magpahintulot sa brand na gusto nilang mag-advertise sa kanilang profile photo para sa cash (70% at 69%, bilang naaayon, ang papayag). Mga tatlo sa apat (77% at 72%, bilang naaayon) ang papayag ding hayaan ang mga brand na mag-sponsor ng lahat ng mga na-post nilang litrato.

Pananamit at itsura

Kapag ini-sponsor ng mga brand ang mga pangunahing sports team, nakakakuha na sila ng bonus na advertising mula sa mga tagahanga na bumibili at nagsusuot ng mga shirt – na may nakapaskil na logo ng brand sa gitna – habang suot nila ito.

Kalahati (55%) ang papayag na higitan pa ang hakbang na ito sa pamamagitan ng pagsuot ng shirt o pang-itaas na may malaking litrato ng logo ng brand ng isang taon. Mas lalong higit pa, isa sa sampu (10%) ang papayag na magpatatoo ng permanente ng logo ng brand na gusto nila.

Tahanan

Habang ang pag-sponsor sa mga gusali ay malawakan nang ginagawa, sa kasalukuyan ay ginagawa ito sa mga dedikadong billboard. Subalit, mahigit sa dalawa sa tatlo (71%) ay papayag na ang brand ay maglagay ng billboard sa labas ng bahay nila.

Paglabas sa TV

Panghuli, 78% ng mga Filipino ang personal na papayag na lumabas sa telebisyo na nag-eendorso ng brand na gusto nila sa isang advert. Habang ito ang pinakapopular na uri ng advertising sa kabuuan, ito rin ang pinakahati, ang mga batang tao ay mas gusto kaysa sa matatandang tao na lumabas sa isang ad (78% ng 16-24 taong gulang kumpara sa 63% ng 55+ taong gulang).

*Ang data ay online na nakolekta ng YouGov Omnibus sa pagitan ng 5 at 12 ng Disyembre 2017 sa 1,010 respondent sa Pilipinas. Ang mga resulta ay kumakatawan sa online na adult na populasyon.

Pinagmulan ng litrato: Getty Image