Kalahati ng Mga Filipino ay nag-internet dating

Kalahati ng Mga Filipino ay nag-internet dating
sa

Ang Tinder at ang FilipinoCupid ay nakikita bilang pinakarespetableng online dating na platform

Ang isa sa panimulang ideya ng internet ay ang potensiyal nitong maalis ang pagkabukod, ngunit sabi ng ilang tao na kabaligtaran ang nagawa nito. Pagdating sa romansa, mas may pag-asa ang kuwento – maaaring di kailanman naging kasing daling maghanap ng date, habang nababawasan ang social stigma sa paligid ng internet dating maraming dahilan para paniwalaang magpapatuloy ang trend.

71% ng mga Filipino ay may kilalang isang magkapareha man lang na nagkakilala online

Sinisiwalat ng bagong pananaliksik ng YouGov ang sukatan ng kaganapan sa Pilipinas. Talagang kalahati ng mga Filipinos ang gumamit ng internet at mga online dating apps. Umaabot ito sa 56% sa mga millennial.

Ngunit apat sa sampung (41%) millennial din ang nagsasabi na mahihiya silang aminin na nakilala nila ang kapareha nila sa pamamagitan ng online dating/apps. Isa sa apat (24%) ng mga baby boomer ay ganoon din ang sinasabi. Subalit, dalawa sa tatlo (66%) ng lahat ng sumasagot ay nagsasabi na hindi nila pag-iisipan ng iba ang magkapares na nagkita online.

Karamihan (71%) ay may kilalang isang magkapareha man lang na nagkakilala sa ganitong paraan. Habang tatlo sa apat ng mga millenial ay may kilalang isang magkapareha man lang na nagkakilala online, anim sa sampu (59%) sa mga baby boomer ang may kilala.

Ang Tinder at ang Filipino Cupid ay nakikita bilang pinakarespetableng online dating na serbisyo

Ligtas na sabihin na ang online dating ay mainstream na ngayon sa Pilipinas at ang online dating ay mas nagiging kumpetitibong merkado.

Malinaw na ang Tinder at Filipino Cupid ang mga paborito sa Pilipinas, pareho ay may pinakamataas na iskor sa katanyagan at pagiging respetable. Sa kabuuan, mahigit sa anim sa sampung sumasagot ang nakarinig na sa mga serbisyong ito. Ang Tinder ang may pinakamahusay na reputasyon sa mga hindi pa kailanman nakakagamit ng mga online na dating service, na 53% ang nagsasabi na tinuturing itong karespe-respeto. 15% lang ang tumuturin na hindi ito respetable, nagbibigay ng netong iskor na +38 – ang pinakamataas sa lahat ng apps na nakatampok sa survey.

Ang mga serbisyo na pinaka-hindi nakikilala ng mga lahat ng sumasagot ay nakikita din bilang pinaka-hindi respetable sa mga gumamit ng mga online dating service, nagmumungkahi na ang popularidad ay susi sa tagumpay sa merkadong Filipino.

Ang online dating ay nagkakahalagang $2.2 bilyon sa America lang, ay nagmamalaki ang Tinder ng 26 milyong pagpapares sa isang araw. Dahil kalahati ng mga Filipino na gumamit sa mga online na dating service ang payag na magbayad ng mga premium na tampok, mas maraming nagawa ang internet dating sa mga kamakailang taon di lang ang pagtanggal ng stigma nito.

*Kinolekta ang datos na ito online sa pagitan ng Setyembre 11 at 28, 2017, sa pamamagitan ng panel ng YouGov na may 5 milyong tao sa buong mundo. Itinuturing itong sapat upang kumatawan sa online na populasyon. Sample size: 2,777

Photo source: Getty Image / Zerbor