OK ang sandals, hindi puwede ang tsinelas - gabay sa office attire mula sa YouGov

OK ang sandals, hindi puwede ang tsinelas - gabay sa office attire mula sa YouGov
sa

Okay na kahit walang necktie, pero pasensya na sa mga kalalakihan: kahit mainit, required pa rin ang slacks.

Kahit iniisip ng mga lalaki na magandang maging kumportable sa tag-init, hindi pa rin katanggap-tanggap ang pagsusuot ng shorts sa trabaho. Apat lang sa sampung (39%) taong na-survey sa kabuuan ng APAC ang sumang-ayon na okay lang na magsuot ng shorts ang mga lalaki sa trabaho; ang kabuuang hatol ay na walang magagawa ang mga lalaki kundi tiisin ang init sa loob ng opisina. Walang ganitong problema ang mga katrabaho nilang babae: 66% ng mga tao ang sumang-ayon na katanggap-tanggap ang pagsusuot ng mga kababaihan ng "above-the-knee" na palda sa trabaho.

Kahit halos magkatulad lang ang mga footwear na ito, sobrang laki ng pagkakaiba ng mga opinyon sa sandals at tsinelas. 35% lang ng mga tao ang nagsabi na okay lang na magsuot ng tsinelas sa opisina, samantalang 56% ng mga tao ang pabor sa sandalyas. Bagama't tinatanggap ng 63% ng mga babae na okay lang para sa mga babae na magsuot ng office sandals, itinuturing din ng 49% na katanggap-tanggap ang pagsusuot ng mga kalalakihan ng sandals kumpara sa 46% na hindi sang-ayon dito.

Kung nagbabalak din ang mga lalaking magpalamig sa pang-itaas na damit, madidismaya silang malaman na wala pa halos isa sa tatlong tao ang nag-iisip na ok lang magsuot sila ng vest top sa opisina; gayunman, may kaawaan at habag na sumang-ayon ang 87% ng mga tao na okay lang na hindi mag-necktie kumpara sa 9% na nagsabihing kailangan ito.

 

Leggings ang uri ng damit na nagdulot ng pinakamalaking dibisyon sa trabaho

Napatunayan na ang leggings ang uri ng damit na nagdulot ng pinakamalaking dibisyon sa trabaho. Bagama't karaniwan nang tinatanggap ito sa Vietnam (ng 73%), Singapore (67%), Thailand (59%), Pilipinas (57%) at Australia (50%), karamihan ng mga respondent sa China (71%), Indonesia (54%) at Malaysia (52%) ay nagsabing hindi katanggap-tanggap ang pagsusuot nito sa opisina. Hati naman ang mga taga-Hong Kong at walang masasabing majority sa kasong ito: 48% ang naniniwalang okay lang ang leggings habang 38% ang nagsabing hindi ito katanggap-tanggap sa trabaho.

Hindi kataka-taka, ang mga mas batang henerasyon ang may mas malawak na pagtanggap sa halos lahat ng uri ng damit para sa opisina, ngunit hindi kasama sa mga ito ang "above-the-knee" na palda para sa mga kababaihan at mga lalaking hindi naka-necktie. Pinakamalaki ang generation gap kung tungkol sa mga hooded na sweatshirt: 35% lang ng nasa edad na 55 at higit pa ang naniniwalang katanggap-tanggap ito sa opisina, habang anim sa bawat sampu (58%) ng nasa edad na 16-24 ang masayang magsuot ng hoodies sa trabaho.

*Kinolekta ang datos na ito online sa pagitan ng Agosto 14 at 28, 2017, sa pamamagitan ng panel ng YouGov na may 5 milyong tao sa buong mundo. Itinuturing itong sapat upang kumatawan sa online na populasyon. Sample size: Asya Pasipiko (n = 9.645; Australia: 1,008; China: 1,018: Hong Kong: 1,120; Indonesia: 1,045; Malaysia: 1,311; Pilipinas: 1,097; Singapore: 1,030; Thailand: 1,022; Vietnam: 1,003)