68% ng mga residente sa APAC ay naniniwalang may problema sa pekeng balita sa mga digital platform

68% ng mga residente sa APAC ay naniniwalang may problema sa pekeng balita sa mga digital platform
sa

Ang “pekeng balita” ay isa sa mga pinag-uusapang parirala ng 2017. Unang binuo noong halalan ng presidente sa US noong nakaraang taon, nabuhay mag-isa ang termino at bahagi na ngayon ng karaniwang pananalita ng maraming mamamahayag, tagakomento at mga mamimili.

Binunyag ng bagong pananaliksik na YouGov, ang nangunguna sa mundong kompanya ng online na pananaliksik, na ang karamihan sa mga residente ng APAC ay naniniwalang problema ang “pekeng balita”. Subalit, pinapakita rin na mas higit na mahirap matukoy ang problema.

Ang TV ang pinakapinagkakatiwalaang pinagmumulan ng nilalamang balita

Nakita ng pag-aaral na ang nakikita ng mga mamimili ang TV bilang pinakapinagkakatiwalaang pagmumulan ng balita, na tatlo sa apat ng mga natanong (75%) ay naglalagay ng kaunti o maraming tiwala sa TV. Kasunod ito ng radyo (pinagkakatiwalaan ng 70%) at mga diyaryo (68%), habang ang digital ang pinakahindi pinagkakatiwalaang pinagmumulan ng balita (60%).

Ngunit tinatanggap din ng mga mamimili na ang mga pinagmumulang ito ay maaaring responsable sa pagpapakalat ng “pekeng balita”. Bagaman nag-ulat ng mataas na antas ng tiwala sa TV, halos kalahati (47%) ng mga sumssagot ay naniniwala na may problema sa pekeng balita sa TV. Ang katulad na bilang ay nag-uulat ng alalahanin sa “pekeng balita” sa nilalaman ng diyaryo (49%) at radyo (41%). Subalit, ang pag-aalala sa “pekeng balita” ay tumataas sa mahigit sa dalawa sa tatlong (68%) sumasagot pagdating sa digital na nilalaman.

Isa lang sa walong tao ang naglalagay ng “maraming” tiwala sa balita na ibinabahagi ng mga kaibigan at pamilya online

Ang social media ang pangunahing site para sa nilalamang balita, na mahigit sa ikatlo ng mga residente ng APAC (37%) ang nagbabahagi ng nilalamang balita sa social media ng hindi bababa sa minsan bawat araw. Mas malaki ito sa Thailand (54%), Vietnam (50%), Indonesia (44%) at Pilipinas (40%).

Bagaman karamihan ng mga sumasagot (58%) ay nagsasabi na nagtitiwala sila sa balitang binabahagi ng mga kaibigan at pamilya sa social media, 13% ng mga natanong ay naglalagay ng “malaking” tiwala sa balita na binabahagi online ng mga kaibigan at pamilya. Ang mga Australian ang pinakahindi nagtitiwala, na 7% ng mga tao ay hindi nagtitiwala sa anumang nilalaman na binabahagi ng mga kaibigan at pamilya nila. Mahigit ito sa doble ng rehiyonal na average ng 3%.

Sa palagay ng mahigit sa kalahati ng sumasagot sa APAC ay mas negatibo ang brand na nakitang nag-aadvertise sa platform na naglalaman ng pekeng balita

Maingat ang mga mamimili sa nilalamang nakikita nila online at mahigit sa kalahati (56%) ay nagsagawa ng independiyenteng pananaliksik para masuri ang pagkabalido ng balitang kuwento. Ngunit bagaman nakilala ang problema ng “pekeng balita”, maaaring hindi tumatanggap ang mga mamimili kapag ang mga brand ay nasangkot sa usapin; sa palagay ng mayorya ng mga sumasagot (54%) ay mas negatibo ang brand na nakitang nag-a-advertise sa platform na naglalaman ng pekeng balita. Higit pa, dalawa sa tatlong residente ng APAC (66%) ang mas hindi magtitiwala sa brand kung nakitang nag-a-advertise ito sa platform na naglalaman ng pekeng balita.

54% ng mga sumasagot ay hindi na bibili ng brand na nakitang nagpo-promote ng peke o mapanlinlang na nilalaman

Pinapakita rin ng survey kung paano naiimpluwensiyahan ng brand ang asal ng mamimili, pati na ang opinyon. Halimbawa, kung malaman ng mga mamimili na nagpo-promote ang brand ng peke o mapanlinlang na nilalaman, karamihan ng mga mamimili ay hindi na bibili ng brand na ito (54%), pipili ng ibang brand sa hinaharap (51%) o sasabihin sa pamilya at/o mga kaibigan ang tungkol dito (51%). Higit pa, tatlo sa sampung mamimili (29%) ay magbabahagi ng impormasyong ito sa social media at isa sa apat ng mga mamimili (26%) ay magtatanggap ng app ng brand mula sa telepono nila.

*Kinolekta ang datos na ito online sa pagitan ng Hulyo 5 at 13, 2017, sa pamamagitan ng panel ng YouGov na may 5 milyong tao sa buong mundo. Itinuturing itong sapat upang kumatawan  sa online na populasyon. Sample size: Asya Pasipiko (n = 8,869; Australia: 1,006; Hong Kong: 950; Indonesia: 1169; Malaysia: 1,552; Pilipinas: 1,045; Singapore: 1,062; Thailand: 1,080; Vietnam: 1,005)