Ang Cadbury, Ferrero, Nestlé, Hershey’s at Lindt ang mga paboritong brand ng tsokolate ng APAC

Ang Cadbury, Ferrero, Nestlé, Hershey’s at Lindt ang mga paboritong brand ng tsokolate ng APAC
sa

Ipinakita ng isang bagong research ang pagtaas ng mga etikal na consumer: 58% ng mga tao ang nag-iisip na mahalagang salik ang fairtrade certification sa pagbili ng tsokolate

Pinasikat ni Forrest Gump ang kasabihang, “Ang buhay ay tulad ng isang kahon ng tsokolate. Hindi mo alam kung ano ang makukuha mo”. Pero anong tsokolate ang pipiliin ng mga tao? Sa paghahanap ng higit pa tungkol sa love affair natin sa cocoa, tinanong ng YouGov ang 9,000 tao sa palibot ng APAC kung anong uri ng tsokolate ang gusto nila.

Almond ang paboritong filling sa APAC

Ang mga residente ng APAC ay mahilig sa nuts: tatlo sa top five na pinakapopular na filling para sa tsokolate. Sa 12 ingredient na ibinigay bilang pagpipilian, ang mga pinakapopular ay: almond (33%), caramel (10%), cashew (10%), peanut (7%) at raisin (5%). Samantala, sakto na ang basta purong tsokolate para sa 14% ng mga respondent, na mas pinipiling kainin ito nang plain.

Para sa panlabas, ang dark na tsokolate ang pinakapopular na uri, na pinaboran ng 44% ng mga tinanong, sinusundan ng milk chocolate (35%), white chocolate (14%) at ng tsokolateng may flavor (7%).

Ang Cadbury ang paboritong brand ng tsokolate sa APAC

Sa 11 brand na sinakop namin sa survey, Cadbury ang paboritong brand ng tsokolate sa APAC, na pinili ng sangkapat (25%) ng mga respondent sa rehiyon. Kabilang sa iba pang popular na brand ay ang Ferrero Rocher (14%), Nest (12%), Hershey’s (12%) at Lindt (9%).

Pero nag-iiba ang panlasa sa kung ano ang pinakamasarap na uri ng tsokolate: Ang Godiva ay partikular nang popular sa Hong Kong (na pinili ng 23% sa lokal pero ng 7% lamang sa rehiyon); pirming paborito ang Toblerone sa Pilipinas at Indonesia (pinaboran ng 16% at 14% ayon sa pagkakabanggit, at sa 6% ng buong rehiyon); samantalang ang Nest ay higit 3 beses na mas popular sa Vietnam kaysa rito, ayon sa rehiyon (na pinili ng 39% sa lokal pero 12% sa rehiyon).

77% ng mga taga-Indonesia ang nag-iisip na mahalagang salik ang fairtrade certification sa pagbili ng tsokolate

Ang kakayahang ma-trace at ang pagiging transparent ay naging popular nitong mga nakaraang taon, isang trend na nakita sa mga priyoridad ng mga consumer sa pagbili ng tsokolate. Isinasaalang-alang na ngayon ng mahigit sa kalahati ng mga APAC respondent (58%) ang fairtrade certification bilang mahalagang salik sa pagbili ng tsokolate, na nagpapahiwatig na priyoridad ang etikal na pagkonsumo para sa marami sa rehiyon. Tumaas ito nang kasing dami ng 77% sa Indonesia at 70% sa Thailand. Bilang paghahambing, ang mga consumer sa Hong Kong ang may pinakamababang concern sa rehiyon, kahit 38% pa rin ang nagsasaalang-alang ng fairtrade certification bilang mahalaga.

Itinuturing namas mahalaga kaysa advertising ang fairtrade certification (33%) o packaging (49%) sa palibot ng APAC. Gayunman, ang lasa ang pinakamahalaga pa ring isinasaalang-alang – na-highlight bilang importante ng nakakagulat na 93% ng mga tinanong.

Mahigit 40% ng mga consumer sa APAC ang kumakain ng mas kaunting tsokolate ngayon kumpara sa nakaraang taon

Pero ang pag-iisip tungkol sa kalusugan ay patuloy na nakakaapekto sa kaugalian ng mga tao sa pamimili. Halos tatlo sa limang consumer (58%) ang nag-iisip na mahalagang salik ang calories sa pagdedesisyon sa pamimili. 43% ng mga tinanong na iyon ay nag-ulat din na kumakain sila nang mas mababang dami ng tsokolate ngayon kaysa noong nakaraang taon. Sa mga iyon, tatlo sa limang respondent (60%) ang gumagawa nito dahil mas lalo silang conscious sa kalusugan. Ang hamong mapanatili ang parehong masarap na lasa ng tsokolate habang pinapababa ang concern sa kalusugan ang susunod na paksa ng pag-aaral ng mga gumagawa ng tsokolate.

Pinagkakaisa ng tsokolate

Habang maraming bagay ang nagpapabahagi sa lipunan, pinagkakaisa tayo ng isang treat na tsokolate. Sa kabuuan ng mga bansa, edad at kasarian, 4% lang ng mga tao ang nagsasabing ayaw nila ng tsokolate. Sa susunod na gusto mong imbitahan ang maraming tao siguraduhing may dala kang tsokolate!

*Kinolekta ang datos na ito online sa pagitan ng Hunyo 22 hanggang Hulyo 3, 2017, sa pamamagitan ng panel ng YouGov na may 5 milyong tao sa buong mundo. Itinuturing itong sapat upang kumatawan sa online na populasyon. Sample size: Asya-Pasipiko (n = 9,088; Australia: 1,013; China: 1,007; Hong Kong: 989; Indonesia: 1,004; Malaysia: 1,049; Philippines: 1,015; Singapore: 1,007; Thailand: 1,002; Vietnam: 1,002)