11% ng mga mamimili sa APAC ang pangunahing gumagamit ng apps para mag-order ng pizza delivery nila

11% ng mga mamimili sa APAC ang pangunahing gumagamit ng apps para mag-order ng pizza delivery nila
sa

Nakikita din sa bagong pagsusuri na ang henerasyon ay hati-hati sa kagustuhan sa pizza

Ang pizza ay isa sa mga pinakapopular na pagkain para sa mabilisang kainan, mga party, at mga salo-salo kasama ang mga kaibigan. Halos apat sa lima (78%) sa APAC ay gustong kumain ng pizza. Sa paglipas ng mga taon, nakakakita tayo ng dumaragdag na iba't ibang topping, crust at pati paraan ng pag-deliver. Dahil dito, ang YouGov, ang pangunahing online research firm sa mundo, ay nag-poll ng mahigit 9,000 residente sa buong APAC* para galugarin kung paano at saan nais ng mga taong kumain ng pizza nila.

Ang mga kabute ang pinakapaboritong pizza toppin sa APAC

Pagdating sa kung ano ang gusto ng mga tao sa pizza, nakita ng pananaliksik na ang paboritong toppin ng rehiyon ay mga kabute, na paborito ng halos dalawa sa tatlo ng mga residente sa APAC (65%). Ang mga kabute ay partikular na popular sa mga mas matandang henerasyon 71% ng mas matanda sa 55 ay tinuturing ang mga kabute bilang isa sa paborito nilang topping ng pizza, kumpara sa 56% ng mga nasa edad na 16-24.

Kasama ng mga kabute bilang pinakapopular na topping ng pizza sa APAX ay ang manok (53%), baka (52%), sibuyas (47%) at pinya (45%). Samantala, ang sweetcorn, tuna, olives at sili ay ang pinakahindi popular sa mga opsyon na binigay, ayaw ng 25%, 24%, 22% at 21% ng mga tumutugon, bilang naaayon.

Tulad ng mga gustong sangkap, may kaugnayan sa pagitan ng mga edad ng mga mamimili at mga topping na ayaw nila. Halimbawa, ang mga sibuyas ay ayaw bilang pizza topping ng mahigit sa isa sa lima ng 16-24 taong gulang (22%) pero ayaw ng 13% lang ng mga mas matanda sa 55.

Gusto ng mga tumutugon sa APAC ang thin crust kaysa sa mga cheese-stuffed at thick crust

Pagdating sa crust, may lumalabas na ibang paghahati sa henerasyon. Ang mga cheese-stuffed crust ay pinakapopular sa mga batang tao pero pinaka-hindi popular sa mga mas matandang henerasyon 40% ng 16-24 taong gulang ay nagsasabi na ang paborito nilang uri ng crust ay cheese-stuffed, halos doble sa bilang ng mga nasa edad na 55+ na nagbabahagi ng parehong pananaw (22%). Kung ihahambing, ang mayorya ng mas matanda sa 55 (51%) ay mas gusto ang thin-crust pizza. Ang thick crust ay ang pinaka-hindi popular na uri ng crust, mas gusto ng 21% ng lahat ng tumutugon.

Ang pagtawag sa telepono ang pinakaginagamit na paraan para mag-order ng pizza

Malaking negosyo ang pizza on the go, na ang 55% sa mga na-poll ay mas gustong mag-take out o mga delivery na serbisyo kaysa kumain ng pizza sa restaurant. Tumataas ito sa hanggang 81% sa Australia, kung saan apat sa lima sa mga mamimili ang nagsasabi na ang paborito nilang paraan ng pagkain ng pizza ay gumamit ng take-out o serbisyong delivery.

Ngunit kahit na naghahandog ang mga bagong teknolohiya ng mas kumbinyenteng paraan ng pag-order ng fast food, isa lang sa sampung mamimili (11%) ang mas nais gumamit ng apps para mag-order ng pizza. Ang mga Chinese na mamimili ay pinakamalamang na gumamit ng apps para mag-order ng pizza delivery, na isang ika-apat na bahagi ng mga mamimili (26%) ay nais gumamit ng apps para ma-order ang kanilang delivery. Ang mga mamimili sa Pilipinas at Thailand ay pinakahindi malamang gumamit ng app bilang normal na paraan ng pag-order nila, 4% lang sa mga na-poll ang gumagamit nito para mag-order ng pizza.

Sa buong rehiyon, ang pagtawag sa telepono ang pinakaginagamit na paraan para mag-order ng pizza, mas gusto ng 44% ng mga na-poll, kasunod ng pag-order online, gamit ng 29% ng mga sumasagot.

Pagdaitng sa pizza delivery, parang mahirap baguhin ang nakasanayan. Tandaan ng mga app developer at serbisyong delivery: parang matagal pa bago maging handang lumipat ang mga mamimili sa mga bagong teknolohiya para sa kanilang Pizza Margherita.

*Kinolekta ang datos na ito online sa pagitan ng Hunyo 22 hanggang Hulyo 3, 2017, sa pamamagitan ng panel ng YouGov na may 5 milyong tao sa buong mundo. Itinuturing itong sapat upang kumatawan sa online na populasyon. Sample size: Asya Pasipiko (n = 9,088; Australia: 1,013; China: 1,007; Hong Kong: 989; Indonesia: 1,004; Malaysia: 1,049; Pilipinas: 1,015; Singapore: 1,007; Thailand: 1,002; Vietnam: 1,002)