Paano maiiwasang mairita ang ibang pasahero sa pampublikong transportasyon

Paano maiiwasang mairita ang ibang pasahero sa pampublikong transportasyon
sa
sa

Mga pasahero ng pampublikong transportasyon! Ipinapakita ng pinakabagong research mula sa YouGov kung anong mga bagay ang itinuturing ng mga taong pinaka-nakakainis at nakakairita kapag nasa pampublikong transportasyon. Magbasa pa para malaman kung paano mo maiiwasang mairita ang mga kapwa mo pasahero.

Halu-halo ang nararamdaman, saloobin at karanasan ng mga taong sumasakay sa mga pampublikong transportasyon. Bagama't madalas na mas mura, mas mabilis at kumbinyente itong paraan ng pagpunta sa iyong destinasyon, hindi mo rin naman mapaplano ang lahat ng bagay na mararanasan mo sa iyong biyahe. Ang YouGov, ang nangungunang online market research firm ay nag-survey ng higit sa 9,000 pasahero ng pampublikong transportasyon sa Asya-Pasipiko kung ano ang ayaw nilang maranasan o gusto nilang iwasan kapag bumibiyahe.

Ang pag-ubo at pagbahing nang hindi nagtatakip ng bibig ang pinakaayaw maranasan ng mga kapwa pasahero.

Ang tatlong bagay na pinakaayaw nilang makita sa mga kapwa nila pasahero ay: bumabahing o umuubo nang hindi nagtatakip ng bibig (pinili ng 52% ng mga na-survey), hindi malinis na pisikal na pangangatawan (51%) at pagtataas ng mga paa sa upuan (38%).

Ang mga may edad nang pasahero ay mas malamang na mairita ng mga pasaherong malakas ang boses kapag nakikipag-usap gamit ang cellphone sa loob ng sasakyan: 42% ng mga nasa edad na 55+ ang nagsabing ito ang isa sa tatlong pinaka-nakakairita sa kanila habang 33% ng mga nasa edad na 16-24 ang nagsabing ganito rin ang nararamdaman nila.

Ang mga taga-Thailand ang hindi masyadong naiirita sa mga pasaherong hindi malinis sa pisikal na pangangatawan (69%).

Depende sa rehiyon, iba-iba rin ang mga kinaiinisan ng mga pasahero ng pampublikong transportasyon. Ang mga Pilipino ang pinakanaiirita kapag may pasaherong hindi malinis sa pisikal na pangangatawan (69%), at para sa mga taga-Thailand, hindi ito masyadong nakaapekto sa kanila (35%).

Ang hindi magandang pananalita ay partikular na problema sa Vietnam, kung saan ang bilang ng mga naiirita dahil sa naririnig nilang hindi magandang pananalita (47%) ay halos doble ng average ng rehiyon (25%).

Ang mga residente ng Hong Kong ay dalawang beses na malamang na mainis kumpara sa ibang bansa kapag may naririnig silang malakas na pagpapatugtog ng musika mula sa mga cellphone ng mga kapwa pasahero: 21% ang naiinis kapag naranasan nila ito, kumpara sa 11% sa buong rehiyon.

*Kinolekta ang datos na ito online sa pagitan ng Abril 11-19, 2017, sa pamamagitan ng panel ng YouGov na may 5 milyong tao sa buong mundo. Itinuturing itong sapat upang kumatawan sa online na populasyon para sa bawat bansa. Sample size: Asya Pasipiko (n = 9,468; Australia: 1,000; Hong Kong: 1,011; Indonesia: 1,283; Malaysia: 1,772; Pilipinas: 1,162; Singapore: 1,049; Thailand: 1,191; Vietnam: 1,000)