Ang mga milennial traveler ay naghahanap ng mas personal at kultural na karanasan

Ang mga milennial traveler ay naghahanap ng mas personal at kultural na karanasan
sa

Ang bagong data mula sa Ulat ng YouGov ay nagpapakita sa iba't ibang paraan kung paanong ang mga kabataan sa ngayon ay nagbabakasyon sa paraang di-tulad ng henerasyon ng kanilang mga magulang

Ngayong mas mahaba na ang araw at mas mainit na at handa nang mag-hibernate ang mga aklat mula sa eskuwela maraming kabataan sa buong mundo ang naghahanda nang bumiyahe.

Gayunman, ang mga bagong istatistika mula sa YouGov ay nagpapakitang  ang mga Millenial na ipinanganak sa pagitan ng 1980 at 1999 ay naghahanda para sa bakasyon sa iba paraan o para sa ibang bagay at hindi tulad ng mga ginagawa ng mas matandang henerasyon. Hindi katulad ng mga magulang nila, mas gusto ng mga kabataan ang mga indibiduwal na karanasang nakatuon sa mga pagkilala sa lokal na kultura - isang bagay na hindi matugunan sa pangkalahatan ng mga tradisyunal na tour operator.

Halimbawa, ang mga millenial mula sa UK, US, Germany at China ay nagbo-book ng kanilang mga biyahe nang online sa mas mataas na rate kumpara sa mas matatandang consumer. Ang mga kabataang ito ay nagpapakita rin ng mas malaking interes sa mga platform-based na serbisyong tulad ng AirBnB, Uber at Lyft kumpara sa mas matatandang consumer, habang  bumababa rin ang interes nila sa mga tradisyunal na paraan ng car rental at mga hotel chain.

Ang pagbabakasyon sa mga beach ay mataas para sa mga Millennial mula sa UK, US, Germany, at China. Kung ikukumpara sa mga uri ng biyahe at bakasyong gusto ng mas matatandang henerasyon, ang mga kabataan sa pangkalahatan ay mas nakatuon sa mga biyaheng punò ng adventure at bagay na pangkultura.

 

Sa madaling salita: Gusto ng mga millenial ang mas personal at kakaibang karanasan kumpara sa ibang pangkat. Bagama't maraming destinasyon ang may mga ganitong uri ng aktibidad na hinahanap ng mga ito, marami sa mga ito ang hindi nagsasagawa ng nararapat na pagsisikap upang ma-develop pa ang kanilang mga promo o offer o i-highlight ang mga ito gamit ang epektibong marketing.

Sa pangkalahatan, ipinapakita ng data na ang mga tradisyunal na tour operator ay kailangang magsagawa ng pagbabago kung gusto nilang manatiling may epekto sa mga kabataang bumibiyahe sa ngayon.

Layunin ng YouGov Reports na ipakita ang malalaking trend at maliliit na detalye sa mga sektor, mula sa pinansya at teknolohiya, hanggang sa pagkain at inumin. Ang bawat report ay itinatag gamit ang data mula sa YouGov Profiles at YouGov BrandIndex.

Tingnan ang kumpletong ulat* tungkol sa mga Millenial na bumibiyahe dito

*Ang report na ito ay sumasaklaw sa UK, US, Germany at China.