Handa na ba ang mga Singapore shopper sa paggamit ng Amazon?

Handa na ba ang mga Singapore shopper sa paggamit ng Amazon?
sa

Noong nakaraang Nobyembre, ibinalita na nagpaplano ang kilalang online retail shop na Amazon na mag-expand sa Timog-Silangang Asya sa pamamagitan ng pagbubukàs ng opisina sa Singapore. Ang balitang ito ay unang lumabas sa Techcrunch, at lumabas din sa The Straits Times. Sa pangkalahatan, positibo ang naging pagtanggap ng mga consumer sa balitang ito ng corporate expansion. Gayunman, habang hindi pa opisyal na ipinapahayag ng Amazon ang kanilang expansion sa Timog-Silangang Asya, magkakaroon pa rin ba ng epekto ang mga ulat ng expansion sa image ng Amazon brand perception sa mga consumer sa Singapore? At magdudulot ba ito ng mas maigting na kompetisyon sa masyado nang masikip na e-Commerce market sa Singapore? May balita ang YouGov BrandIndex para sa iyo. 

Nang lumabas ang balita noong Nobyembre, ang Buzz score ng Amazon ay tumaas ng 8 puntos sa loob ng isang buwan. Bagama't wala pa kaming nakikitang anumang opisyal na announcement mula sa  Amazon, lumalabas na ang interes sa market tungkol sa Amazon ay tumataas na sa Singapore. 

Sa katunayan, hindi lang unti-unting nagiging positibo ang pagtanggap ng mga tao sa Amazon sa Singapore, dumarami rin ang mga consumer na nag-iisip na bumili rin mula sa brand na ito.Ipinapakita ng  YouGov BrandIndex na ang  Consideration score ng Amazon ay tumaas din ng 6 na puntos sa loob ng dalawang buwan pagkatapos lumabas ang plano tungkol sa pagpapalawak ng Amazon sa Timog-Silangang Asya.
 

 

Gayunman, kung mabuting balita ito para sa Amazon, hindi ito masyadong magandang balita para sa mga kakumpitensya nito. Kung ikukumpara ang Satisfaction score ng mga customer ng Amazon at iba pang mga e-Commerce player na dati nang aktibo sa Singapore, nasa unang puwesto ang Amazon sa sektor, kahit hindi pa naglalabas ng opisyal na announcement ang brand, at hindi pa ito opisyal na nasa market. 

Bagama't handa na ang mga taong tangkilikin ang Amazon sa Singapore, panahon lang ang makapagsasabi kung ang mga positibong pagtanggap na ito tungkol sa brand at serbisyo nito ay magpapatuloy kapag opisyal na itong nagbukàs sa Timog-Silangang Asya. 

Ang mga ‘Buzz’ score sa ilalim ng YouGov BrandIndex ay sumusukat sa net ng mga positibo at negatibong opinyon ng mga consumer tungkol sa isang brand sa loob ng isang partikular na sektor. Sinusukat din nito ang kaalaman ng mga consumer tungkol sa positibo o negatibong balita; isang advertising o PR campaign; o paglulunsad ng produkto sa loob ng itinakdang haba ng panahon. 

Ang ‘Consideration’ score ay sinusukat sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga respondent ng: "Sa susunod na pagbili ninyo ng produkto, mula sa alin sa sumusunod ang isasaalang-alang ninyong bilhin?"

Ang ‘Satisfaction’ score ay sinusukat sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga respondent ng: "Kayo ba ay masaya o hindi masayang customer?"

Ang YouGov BrandIndex ay ang tanging pang-araw-araw na serbisyo ng pag-aaral tungkol sa opinyon ng mga consumer tungkol sa mga brand. Inilunsad ang YouGov Brandindex sa Singapore noong Enero 2015. Patuloy naming sinusubaybayan ang mahigit sa 250 brand sa Singapore. Sa pamamagitan nito, mayroon kaming mas malinaw na pagkaunawa kung ano ang opinyon ng mga consumer tungkol sa mga brand na ito.