Ang Oscar nomination ay may 12% lang na impluwensiya sa mga nanonood ng sine

Ang Oscar nomination ay may 12% lang na impluwensiya sa mga nanonood ng sine
sa
sa

Ang bagong research ng YouGov ay nagpapakita na 30% ng mga nanonood ng sine ang sadyang nagpapa-late ng pasok sa sinehan para maiwasan ang mga commercial at ad.

Opisyal na. Awards season na naman at ipapakita ng Oscars sa linggong ito ang mga nanalong pelikula sa Hollywood noong nakaraang taon. Pero imbes na magpokus sa nakaraan, tinanong ng YouGov, isa sa mga nangungunang research firm sa mundo, ang mga tao sa Asya-Pasipiko kung anong pelikula sa sinehan ang inaabangan nila ngayong taon

 

Ang “Fast & Furious 8” ang pinaka-inaabangang pelikula sa sinehan sa taong ito.

Mula sa 13 mga bagong pelikula, ang “Fast & Furious 8” ang pinaka-inaabangan sa taong ito, na pinili ng 18% ng mga respondent. Mataas din ang score ng “Transformers: The Last Knight” (13%) at ng “Pirates of the Caribbean: Dead Men Tell No Tales” (10%) para sa pinaka-inaabangang mga pelikula sa sinehan.

Ang mga kabataang nanonood ng sine ay mas excited sa pagpapalabas ng "Beauty and the Beast" kaysa sa mga adulto; 14% ng mga 16-24 na taong gulang ay excited sa pagpapalabas nito, na higit pa kaysa sa tatlong ulit ng mga tinanong na higit sa 55 na taong gulang.

Nakakagulat na ang ilan sa mga pelikulang may pinakamalaking budget ay may pinakamababang score; ang “Kong: Skull Island," “Lego Batman” at “Logan” ay gusto lang ng 2% respondent bilang pinakagusto nila.

Sa kabila ng mababang antas ng excitement para sa mga pinakamalalaking action movie na ipapalabas ngayong taon, ang mga action movie ay popular sa Asya-Pasipiko na pinili ng 55% ng mga respondent bilang isa sa tatlong pinakapaborito nilang genre. Hindi na nakakapagtaka na mas popular ang action sa mga kalalakihan kaysa kababaihan. 67% ng mga lalaki at 43% ng mga babae ang nagsabi na isa ito sa tatlong pinakapaborito nilang uri ng pelikula. Tulad ng inaasahan, ang sci-fi ay mas popular din sa mga lalaki kaysa mga babae; gusto ito ng 32% ng mga lalaki at 19% ng mga babae.

Sa kabilang banda, tatlong beses na mas popular ang romance sa mga babae kaysa mga lalaki; 30% ng mga babae ang nagsabi na romance ang isa sa mga pinakapaborito nilang genre kumpara sa 10% lang ng mga lalaki. Gayunman, halos pareho lang ang bilang ng mga gusto ng comedy (45% ng mga lalaki at 52% ng mga babae) at animation (gusto ng 22% ng mga lalaki at 30% ng mga babae).

Ang panonood ng mga pelikula sa ibang wika ay hindi popular sa Australia, kung saan 35% ng mga consumer ang hindi nanonood ng mga pelikula na hindi sa sarili nilang wika; apat na beses na mas malaki ito kumpara sa average na 8% ng rehiyon. Sa kabuuan ng rehiyon, sa mga nanonood ng mga pelikula na nasa ibang wika, 74% ang mas gusto na may subtitle kumpara sa dubbing na 18%. Gayunman, pinakapopular ang dubbing sa Vietnam at mas gusto ito ng 43%.

 

65% ng mga consumer ang nakakaalam ng tungkol sa mga bagong pelikula dahil sa social media

Ang plot ang pinakaimportanteng factor sa pagdedesisyon ng mga consumer kung papanoorin nila ang pelikula o hindi (isinasaalang-alang nang higit sa 52% ng mga respondent). Ang cast (mahalaga para sa 48% ng mga tinanong), genre ng pelikula (48%) at ang trailer na nakita ng mga consumer (45%) ang iba pang factor na kasama.

Ang publicity ng pelikula ang pinakamahalaga sa China, kung saan 40% ng mga tinanong ang nagsabi na ito ay isang factor sa pagdedesisyon kung panonoorin ang pelikula, samantalang special effects ang mas nakakaakit sa mga Filipino (30%).

Lumalabas na ang mga Awards nomination, kasama na ang Oscars, ay hindi masyadong nakakaakit sa mga consumer, 12% lang ang nagsabi na ang ganitong mga nomination ay nakakaimpluwensya ng kanilang desisyon kung panonoorin ang pelikula.

Karamihan ng usapan tungkol sa mga ipapalabas na pelikula ay galing sa social media (65% ng mga consumer ang nakakaalam ng mga bagong pelikula sa pamamagitan nito). Pero may mahalagang pagkakaiba sa pagpili ng pelikula ng mga nasa magkakaibang edad; 3/4 ng mga 16-24 na taong gulang (74%) nakakaalam ng bagong pelikula sa pamamagitan ng social media pero 37% lang ng mga 55 na taong gulang ang gumagawa nito.

Sa kabilang banda, 41% ng mga 55 taong gulang at higit pa ang nakakaalam ng mga ipapalabas na pelikula mula sa dyaryo kumpara sa 13% lamang ng mga 16-24 na taong gulang.

Maliban sa social media, sa pangkalahatan, ang commercial sa TV (35%), usap-usapan (34%), at mga ad sa sinehan (33%) ang mahahalagang paraan para malaman ang tungkol sa mga bagong palabas sa sinehan ng lahat ng generation.

 

Kalahati ng mga consumer na tinanong ang nagbibigay ng atensyon sa mga ad sa sinehan kaysa sa TV

Ang pagpunta sa sinehan ay hindi lang para simpleng manood ng sine; iniisip ng marami na ang mga commercial ad ay mahalagang bahagi rin ng karanasan ng panonood ng sine. Mahigit sa kalahati ng mga residente sa APAC (57%) ang nagsabi na ang mga commercial ad na ipinapalabas ay nakakatulong para i-set ang mood sa pelikulang panonoorin. Tumataas ito nang halos 3/4 sa Pilipinas (72%), 63% sa Thailand at 61% sa Malaysia.

Halos 2/3 ng mga respondent (62%) ang sang-ayon na ang mga commercial ad sa sinehan ay magandang paraan para makaalam ng bagong mga produkto at 61% ang sang-ayon na nakakatulong ito para maging updated sa kalagayan sa kanilang lugar.

Kalahati ng mga consumer (51%) ang nagsasabing mas creative at entertaining ang mga commercial ad sa sinehan kaysa iba pang uri ng ad at halos kasing daming consumer (50%) ang nagbibigay ng higit na pansin sa mga commercial ad sa sinehan kaysa TV.

Pero hindi lahat ng consumers ay gusto ang mga ad. Mahigit 1/3 ng mga tinanong (37%) ang umaming hindi nila pinapansin ang mga ito, lalo na sa China kung saan ang bilang ay tumaas nang halos kalahati ng mga respondent (46%). Isang mahalagang proporsyon (30%) ang umamin din na nagpapa-late sila para hindi na mapanood ang mga ad, lalo na sa Thailand, kung saan 38% ang gumagawa nito.