Halos 40% ng mga respondent sa APAC ang nakalimot na sa mga New Year's resolution nila sa Pebrero

Halos 40% ng mga respondent sa APAC ang nakalimot na sa mga New Year's resolution nila sa Pebrero
sa
sa

Napag-alaman ng YouGov research na halos 96% ng mga respondent sa APAC ang nangako sa sarili nila para sa 2017. Ang resolusyong mag-ipon ang pinaka-karaniwan para sa mga respondent sa APAC, at kasunod nito ang mga resolusyon tungkol sa kalusugan. Pero ngayong tapos na ang unang buwan ng 2017, gaano karaming tao pa ba ang nagsisikap na tuparin ang kanilang mga New Year's resolution?

Ang top 5 na New Year's resolution sa APAC ay: pag-iipon ng mas malaking pera (67%), pagkain nang mas masustansya (52%), pagpunta sa isa o maraming lugar na hindi pa nila napuntahan (48%), pagbabawas ng timbang o pagiging mas fit (46%), at pagkakaroon ng mas balanseng oras para sa personal na buhay at trabaho (39%).

Ang resolusyong mag-ipon ang nangungunang New Year's resolution sa lahat ng 9 na APAC na bansang na-interview, ang mga Filipino ang may pinakamalaking bilang ng nagsabi nito (82%), doble ito kumpara sa mga Australian na nangako ring gagawin ito para sa bagong taon (41%).

Bukod sa pera, ang mga respondent mula sa Pilipinas (43%) at Vietnam (57%) ay nag-iisip din sa kanilang hitsura, at nagsasabing gusto nilang mas alagaan nang husto ang kanilang hitsura sa Bagong Taon. Hindi katulad ng ibang bansa sa APAC na na-interview, ang pagpapaganda rin ng hitsura ang nasa top 5 na New Year's resolution sa dalawang bansang ito.

Sa kabilang banda, ang pagkakaroon ng mas mahabang oras ng tulog ang isa sa top 5 na New Year's resolution sa Australia (26%), Hong Kong (43%), Singapore (43%) at Thailand (38%); habang 'pakikipagkita sa mga kaibigan o pamilya' ang nasa top 5 sa (36%) at Vietnam (53%).

 

 

Mas maliit ang posibilidad na magkaroon ng mga resolution ang mga Australian para sa 2017

Mas madalas gumawa ng mga resolution ang mga kabataan kaysa sa mga nakatatanda sa kanila, kung saan 4% lang ng mga 16-34 na taong gulang ang nagsabing wala silang planong magkaroon ng mga resolution para sa 2017, kumpara sa 24% ng mga nasa edad na 35+.

Kapansin-pansin, isa sa bawat limang Australian ang nagsabing wala silang planong anumang resolution para sa 2017, na mas mataas sa average ng rehiyon (4%), at 20 beses na higit kaysa sa China (1%) at Indonesia (2%). Akma ito sa mga resulta ng data na halos 3 sa bawat 10 Australian (27%) ang nagsabing hindi sila gumawa ng anumang New Year's resolution sa buong buhay nila, at doble ito sa average na 12% ng rehiyon.


Ang mga Chinese ang pinakamadalas na tumutupad sa kanilang mga New Year's resolution

Ngayong tapos na ang unang buwan ng 2017, hanggang kailan ipagpapatuloy ng mga tao ang pagtupad sa kanilang mga New Year's resolution? Kalahati ng mga respondent ang nagsabi na sa average, nakakaya nilang tuparin ang kanilang mga resolution nang higit sa isang buwan, habang 38% ang humihinto na sa loob ng isang buwan.  Bagama't karaniwang mga kabataan ang may mga New Year's resolution, sila rin ang pinakamadalas na humihinto na sa pagtupad nito kumpara sa mga nakatatandang henerasyon. 44% ng mga 16-34 na taong gulang ang nagsabi na sa average, nakakaabot sila nang hanggang isang buwan bago nila mahinto ang pagtupad sa kanilang mga New Year's resolution, habang 31% lang ng mga nasa edad na 35+ ang nagsabi nito.

Higit sa isa sa bawat limang respondent sa China ang nagsabing hindi sila humihinto sa pagtupad sa kanilang mga New Year's resolution (22%), at mas mataas ito sa average na 16% ng rehiyon, at doble kumpara sa bilang ng mga Filipino na ganito rin ang sinabi (11%).

Gusto mong malaman kung ano ang mga New Year's resolution ng British? Tingnan ang aming UK survey.

Ang data ay kinolekta mula sa research sa mga panelist ng YouGov at itinuturing na kumakatawan sa online na populasyon. Sample size: Asya Pasipiko (n = 9,799; Australia: 1,004; China: 1,019; Hong Kong: 1,005; Indonesia: 1,189; Malaysia: 1,249; Philippines: 1,097; Singapore: 1,070; Thailand: 1,156; Vietnam: 1,010)