Karamihan ng mga APAC respondent makapanood ng bagong Formula 1 race sa Hong Kong

Karamihan ng mga APAC respondent makapanood ng bagong Formula 1 race sa Hong Kong
sa

Kinuwestiyon ng ilang tsismis ang kinabukasan ng Formula 1 sa ilang mga tanyag na karera nito sa Asya Pasipiko. Noong nakaraang buwan, naulat na ang 2018 Malaysian Grand Prix na ang huli sa Malaysia. Minungkahi rin ng balita na ang may-ari ng F1 na si Bernie Ecclestone ay nais nang tapusin din ang karera sa Singapore. Bagaman itinanggi ito, may ispekulasyon pa rin tungkol sa kahihinatnan ng Singapore F1.

Ang pagkawala ng isa at maaaring dalawa sa rehiyonal na Grand Prix ay magkakaroon ng malaking epekto sa presensiya ng sport sa Asya Pasipiko. Subalit, ang bagong pananaliksik na YouGov, ang isa sa pangunahing kompanya ng pananaliksik sa mundo, ay nagsasabu na ang katanyagan ng F1 ay nananatiling malakas sa rehiyon.

Sa kabuuan, mahigit sa kalahat sa natanong sa APAC (54%) ay nagsasabi na interesado sila sa F1. Tilang pinakatanyag ang sport sa Indonesia (62%), kasunod ng Malaysia (58%). Malakas din ang suporta sa Hong Kong at Vietnam, kung saan ang 55% ng populasyon ay nagsasabing interesado sila sa sport.

Tulad ng mga stereotype ng kasarian, mas interesado ang kalalakihan kaysa sa kababaihan sa F1; 61% ng kalalakihan ang interesado sa sport kumpara sa 44% ng kababaihan. Bilang resulta, mas maraming lalaki kaysa babae ang nakapanood na ng karera sa TV o mismo (80% at 64%, bilang naaayon).

Mas malamang ma gustong manood ng mga tao ng bagong karerang F1 sa Hong Kong, Bangkok, Sydney

Bagaman 15% lang ng taong nanood ng karerang F1 ang nanood mismo, 71% ng mga sumasagot ay interesadong gawin ito. Ang isa sa mga pinakamalaking hadlang sa dagdag na pagdalo sa mga residente ng APAC ay walang malapit na karera sa kanila. Ang layo ang binabanggit ng mga sumasagot sa China, Hong Kong, Thailand at Vietnam bilang numero unong dahilan kung bakit hindi sila nakadalo sa karerang F1 dati (binanggit ng 457% ng mga nasa China, 44% ng mga nasa Hong Kong, 49% ng mga nasa Thailand, at 69% ng mga nasa Vietnam).

Sa mga mas malapit kung saan na nagaganap ang mga karerang F1, ang gastos ang pinakamalaking hadlang at binabanggit bilang pinakamahalagang salik sa Australia, Malaysia, Indonesia at Singapore ng 42%, 62%, 50% at 75% ng mga natanong, bilang naaayon.

Inaasahan na ang anumang rehiyonal na mga Grand Prix na nawala ay papalitan, bagaman walang mga bagong lungsod ang naanunsiyo. Para bigyang inspirasyon ang pag-iisip ni Bernie Ecclestone, tinanong ng YouGov ang mga sumasagot kung saan nila pinakanais makitang maganap ang mga karerang F1 sa Asya Pasipiko. Ang tatlong pinakatanyag na destinasyong nabanggit ay ang Hong Kong (binanggit ng 34% ng mga natanong), Bangkok (binanggit ng 28% ng mga natanong), at Sydney (binanggit ng 23%).

Ang pag-host ng mga Grand Prix ay nakikita bilang positibong host na bansa

Lingid sa pagpapahintulot sa mga tagahangang lumapit sa sport, ang pag-host ng mga Grand Prix ay pinahahalagahan ng mga sumasagot, na naniniwala na ang mga positibo para sa host na bansa ay mas lamang sa mga negatibo. Ang pinakanakikitang benepisyo sa pag-host ng karera ay ang pagdami ng turismo (nakalista bilang positibo ng 86%), entertainment (nakikita bilang positibo ng 79%), kabuuang ekonomiya (nakikita bilang positibo ng 74%), at pandaigdigang katayuan (73%).

Halos kalahati ng mga Malaysian ay hindi sang-ayon na tapusin ang F1 sa bansa nila

Pero medyo iba ito sa Singapore, kung saan maraming tanong tungkol sa kinabukasan ng Singapore Grand Prix. Bagaman sa palagay ng halos 70% ng mga Singaporean na ang F1 ay positibong bagay para sa bansa, tanging 57% ang gustong maibalik ito.

Habang sa Malaysia kung saan hindi babalik ang F1 makalipas ang 2018, halos kalahati ng mga sumasagot (46%) ang nagsasabi na hindi sila sang-ayon sa pasyang ito.

Nangunguna ang Ferrari sa mga F1 brand

Pero matagal nang mahigit sa sport ang F1. Mabibilis na kotse, maraming pera, magagandang babae, nakakainggit maging sentro ng F1. Bilang extension, kinakatawan ng mga sponsor ng F1 ang pinakainaasam na pandaigdigang brand.

Samakatuwid, hindi nakakagulat na ang brand na pinakanauugnay sa sport ay ang luxury car brand na Ferrari, kinikilala ng 56% ng mga sumasagot. Ang mga ibang brand na matinding nauugnay sa F1 ay ang Red Bull, Shell at Mercedes, nilista ng 43%, 39% at 39% ng mga taong natanong, bilang naaayon.

Ang F1 advertising ay hindi istranghero sa kontrobersiya. Karaniwan ang adbertismo ng tabako sa F1 at ang mga pangmatagalang relasyon sa mga gumagawa ng sigarilyo at sport ay nasa kasaysayan na ng F1. Subalit, kasunod ng pamimilit ng publiko at mga nagbabagong ugali patungo sa F1 ay pumutol sa relasyon nito sa mga brand ng tabako ilang taon na ang nakalipas. Patuloy pa rin ang debate kung angkop ang adbertismo ng alkohol.

Sa Asya Pasipiko, 42% ng mga natanong ay naniniwala na ang adbertismo ng alkohol sa F1 ay angkop, kumpara sa 37% na hindi naniniwala. Ang mga hindi kasama ay ang Malaysia at Indonesia, na ang dalawang bansa lang na mas marami ang sumagot na naniniwalang ang adbertismo ng alkohol ay hindi angkop sa F1 - na ang 54% ng mga Malaysian at 48% ng mga Indonesian na natanong ay naniniwala na hindi ito angkop laban sa 30% at 31% na naniniwala na angkop ito sa mga naaayong bansa.

Tingnan ang mga buong resulta dito

Ang data ay kinolekta mula sa research sa mga panelist ng YouGov at itinuturing na kumakatawan sa online na populasyon. Sample size: Asya Pasipiko (n = 9,275; Australia: 1,000; China: 1,005; Hong Kong: 1000; Indonesia: 1,001; Malaysia: 1,216; Pilipinas: 1,037; Singapore: 1,002; Thailand: 1,013; Vietnam: 1,001)