Higit sa kalahati ng mga respondent sa APAC ang magbibigayan ng regalo sa panahon ng Kapaskuhan

Higit sa kalahati ng mga respondent sa APAC ang magbibigayan ng regalo sa panahon ng Kapaskuhan
sa
sa

Ayon sa research ng YouGov, ang Pasko ay mas ipinagdiriwang na ngayon bilang panahon ng pamimili sa halip na bilang relihiyosong okasyon

Ramdam mo na ba ang pagdating ng Pasko? Sa nalalapit na Kapaskuhan, naghahanda na ang mga consumer para sa panibagong taon ng kasiyahan. Ngunit paano ito ipagdiriwang ng mga tao sa Asya-Pasipiko at ano ang pinakamadalas hilingin kay Santa ngayong Pasko?

Bilang isa sa nangungunang research firm sa buong mundo, nag-survey ang YouGov sa 8,000 tao sa APAC upang malaman kung paano unti-unting pinaghahandaan ang Kapaskuhan.


55% ng mga consumer ang magbibigayan ng regalo sa panahon ng Kapaskuhan.

Ang panahon ng Kapaskuhan ay ipinagdiriwang kasama ng mga mahal sa buhay. Ipinakikita ito ng mga respondent nang tanungin sila kung anong mga plano nila sa Paskong ito. Ang ilan sa pinakamadalas na tugon ay nakatuon sa paggugol ng panahon kasama ng mga mahal natin sa buhay; pakikipagkita sa mga kaibigan (31%), pag-attend ng Chrismas party ng mga kaibigan/kapamilya (31%) at pagpunta sa "mini-Noche Buena" kasama ng mga kaibigan (26%). Ang ilan pang popular na paraan ng pagdiriwang ay paglalagay ng mga dekorasyon para sa Pasko (23%), pag-host ng Christmas party sa sariling tahanan (20%) at pagsusulat/pagpapadala ng mga greeting card (17%).

Lumalabas na mas maraming pagdiriwang na pinaplano ang mga kabataan kumpara sa mas nakatatandang henerasyon. Ang bilang ng mga nasa edad na 18-24 gulang na nagpupunta sa mga Christmas bazaar ay higit pa sa doble kumpara sa mga nasa 55 taong gulang (23% at 11% sa bawat nabanggit na grupo). Mas malaki rin ang posibilidad na mag-host/pumunta ang mga kabataan sa isang Christmas party, manood ng show o sine.

Bagama't ang mga pagdiriwang para sa Kapaskuhan ay dumadalas na, ang relihiyon ay walang malaking bahagi sa mga ito. Sa kabuuan ng rehiyon, 21% lamang ang nagpaplanong magsimba. Gayunman, ang bilang ng mga nagsisimba sa Pilipinas ay halos tatlong beses na mas marami sa average ng rehiyon, kung saan 59% ng mga na-survey ay nagpaplanong magsimba sa panahon ng Kapaskuhan. Ang bilang ng mga nagsisimba ay mataas din sa Vietnam, kung saan doble ng average ng rehiyon (43%) ang nagpaplanong magsimba. Pinakamababa ito sa China at Thailand, kung saan 7% at 8% lamang ng mga tao (sa bawat bansang nabanggit) ang nagpaplanong magsimba.

55% ng mga consumer ang magpapalitan ng regalo sa panahon ng Kapaskuhan, nagdiriwang man sila ng Pasko o hindi. Ito ay sa kabila ng paniniwala ng 52% ng mga respondent sa APAC na ang Pasko ay naging labis nang materyalistiko.

 

Mga damit, sapatos, pagkain at inumin ang pinakapopular na regalo sa Pasko sa taong ito

Ang Pasko ay hindi magiging pasko kung walang pagbibigayan ng regalo. Ngunit ano ang ireregalo ng mga tao sa taong ito at paano nila bibilhin ang mga ito?

Kapag pumipili ng regalo, 68% ang nagsasabing ang pinakamahalagang aspeto ay kung magugustuhan ito ng pagbibigyan, kung magkano ito, na mahalaga para sa 22% ng mga taong na-survey.

Ipinapakita ito ng ginagawa ng mga consumer sa mga bargain. Bagama't higit sa isa sa bawat sampung tao (11%) ang tumitingin sa mga deal at discount kapag namimili ng mga panregalo para sa Pasko, 37% ang sigurado na kung anong bibilhin ngunit magtitingin-tingin sa iba't ibang lugar para makuha ang pinakamagandang presyo.

Ang mga damit at/o sapatos ang pinakasikat na regalo sa Pasko sa taong ito, at kalahati ng mga na-survey (50%) ang nagpaplanong iregalo ang mga ito.

Ang ikalawang pinakapopular na regalo ay pagkain at inumin, na bibilhin ng humigit-kumulang ikatlong bahagi ng mga magreregalo sa kabuuan ng rehiyon (31-38% ng bawat na-survey na bansa). Ang tanging exception ay Malaysia, na may 17% lamang.

Ang ibang regalo ay paiba-iba depende sa iba't ibang market. Bagama't mga DVD ang partikular na popular sa Australia (21% ng mga na-survey ang nagpaplanong bumili nito bilang panregalo, kumpara sa 8% sa rehiyon), lumalabas na mas maraming bibili ng smartphone sa China, kung saan 27% ng mga magreregalo ang bibili nito kumpara sa 18% sa rehiyon.

 

Ang aktuwal na pagbili sa mga store at mall sa panahon ng Kapaskuhan ay popular pa rin.

Kahit na lumawak ang paggamit ng e-commerce at m-commerce, ang mga offline at in-store na pagbili pa rin ang pinakapopular na paraan ng pagbili ng mga regalo. Totoo ito para sa pagkain at inumin (85% ng mga bumibili ng mga ganitong panregalo ay aktuwal na pupunta sa store upang mamili), alahas (76%) at mga laruan at games (75%).

Ang mga bagay kung saan mas malawak ang paggamit ng e- at m-commerce ay para sa mga regalong kaugnay ng teknolohiya at/o ayon sa karanasan. Halimbawa, ang pinakapopular na item na binili gamit ang mga cellphone ay mga tiket (38% ng mga bumibili ng ticket ay bibili nito gamit ang kanilang mobile device), virtual reality headset (37%) at bakasyon/biyahe (34%).

Ang mga pinakapopular na item na binili gamit ang mga tablet ay blu-ray (ginamit ng 33% ng mga nagpaplanong magregalo ng blu-ray), games console (24%), CD (24%) at e-reader (24%).

Ang mga regalong pinakapopular na bilhin gamit ang computer ay mga bakasyon/biyahe (pinili ng 46% ng mga bumili ng bakasyon/biyahe), ticket (43%) at voucher (35%).

 

Higit sa 60% ng mga Thai ang magtatrabaho ng katulad ng dating oras sa panahon ng Kapaskuhan, samantalang 60% ng mga Aussie ang hindi magtatrabaho.

Bagama't maraming dahilan para magdiwang at magsaya sa Pasko, hindi lahat ay magbabakasyon para i-enjoy ito. Sa kabuuan ng rehiyon, 39% ng mga residente ang magtatrabaho ng katulad ng dating oras sa pagitan ng 24-26 ng Disyembre. Ang mga Aussie at Filipino ay magre-relax; 60% at 39% sa bawat nabanggit na bansa ang hindi magtatrabaho.

Gayunman, mukhang papagurin sila ng mga pagdiriwang na pupuntahan/gagawin nila dahil ang mga respondent na hindi magtatrabaho ay pinakamalamang din na manatili sa bahay upang magdiwang ng Bagong Taon. Ang trend na ito ay pinakamataas sa Pilipinas (66%), Vietnam (45%) at Australia (44%). Sa kabilang banda, ang mga Thai ang pinakamalamang na magtatrabaho ng katulad ng dating oras sa panahon ng Pasko (66%) sa kabuuan ng rehiyon, ngunit sila ang ikalawang pinakamalamang na magbakasyon upang ipagdiwang ang Bagong Taon (23%). Ang pinakapopular na plano sa kabuuan ng rehiyon upang ipagdiwang ang pagdating ng 2017 ay kumain kasama ng mga kaibigan/kapamilya (34%).

 

Ang data ay kinolekta mula sa research sa mga panelist ng YouGov mula ika-18 hanggang ika-28 ng Nobyembre 2016 at itinuturing na kumakatawan sa online na populasyon. Sample size: Asya-Pasipiko (n = 8,285; Australia: 1,106; China: 1,006; Hong Kong: 1,099; Malaysia: 1,009; Pilipias: 1,020; Singapore: 1,027; Thailand: 1,011; Vietnam: 1,007)