Narinig na ng karamihan ng mga respondent sa APAC ang tungkol sa Pokémon Go at nagsabing interesante

Narinig na ng karamihan ng mga respondent sa APAC ang tungkol sa Pokémon Go at nagsabing interesante
sa

Napag-alaman ng YouGov survey na wala pang 40% ng mga respondent sa APAC ang fans ng Pokémon ngunit ngayon, halos 70% sa APAC ang nagsabi na interesante ang konsepto ng Pokémon Go

Mula nang inilunsad ang Pokémon Go noong Hulyo, naging laman ito ng balita sa buong mundo. Ganoon pa rin ba ang interes tungkol dito, ngayong higit sa isang buwan na mula nang inilunsad ito? Ang YouGov, ang nangungunang pandaigdig na market research firm, ay nag-survey ng higit 10,000 online consumer sa kabuuan ng Asia Pacific upang imbestigahan kung paano binago ng game ang sosyal na kaugalian at interaksyon ng mga naglalaro nito.

Narinig na ng karamihan ng mga respondent sa APAC ang tungkol sa Pokémon Go at nagsabing interesante ang konseptong ito.

Halos 90% ng mga respondent (88%) sa kabuuan ng rehiyon ang nakarinig na ng balita tungkol sa Pokémon Go, at ang pinakamataas na antas ng kaalaman tungkol dito ay sa Hong Kong (97%) at Indonesia (97%), at pinakamababa sa China (57%).

Upang maglaro ng Pokémon Go, kailangan ng mga player na mag-download ng isang smartphone app at maghanap at kumolekta ng mga Pokémon virtual monster sa mga pisikal na lokasyon gamit ang mga feature ng augmented reality. Mas mababa sa dalawa sa grupo ng limang respondent (37%) ang fans ng Pokémon bago ilunsad ang laro. Ngayon, 7 sa 10 respondent (69%) sa APAC ang nagsabing nakakapukaw ng interes ang game.

Mas matagal na paglunsad - mas maraming interes sa Pokémon Go? Kalahati ng mga respondent sa APAC ang sumubok na i-download ang game bago ito ilunsad

Kung ikukumpara, sa Australia, kung saan mas maagang inilunsad ang game kaysa sa mga bansa sa APAC, humigit-kumulang 39% lang ng mga respondent ang nagsabing interesante ang konsepto. 71% ng mga respondent sa Australia ang nagsabing hindi pa nila nada-download ang game at wala silang planong i-download ito. 13% lang ng mga respondent sa Australia ang nagsabing na-download at nalaro na nila ang game.

Gayunman, sa ibang mga bansa sa APAC kung saan inilunsad nang mas matagal ang game kaysa sa Australia, halos kalahati ng mga respondent (49%) ang sumubok na i-download ang game bago pa ito opisyal na inilunsad sa kanilang mga bansa.

Isa sa bawat tatlong player ng Pokémon Go ang gumugugol ng average na 30 minuto hanggang 1 oras sa isang araw sa paglalaro ng game.

Kung titingnan ang epekto ng Pokémon Go sa sosyal na kaugalian at pang-araw-araw na buhay ng mga player, 56% ng mga nag-download ng game ay naglagay ng app icon nito sa unang screen sa kanilang mga smartphone. Higit sa kalahati sa mga ito (52%) ay naglaro ng 1 hanggang 3 beses sa loob ng nakaraang 24 oras, at halos sangkatlong bahagi ng mga respondent (33%) ay gumugugol ng 30 minuto hanggang 1 oras sa isang araw upang laruin ang game.

Hinihikayat ba ng Pokémon Go ang paggamit ng ibang social media?

44% ang nagsabi na ang paglalaro ng Pokémon Go ay nagpangyari sa kanilang gumamit ng social media nang mas madalas dahil gusto nilang i-share ang level nila sa laro sa iba pang online. At halos kalahati ng mga player (48%) ang nagsasabing ganoon kahabang panahon pa rin ang gugugulin nila sa paglalaro ng game na ito kapag mas naintindihan pa nila kung paano ito gumagana.

Gayunman, 7% ng mga respondent ang huminto na sa paglalaro ng game. Sa grupong ito, isa sa bawat tatlo (36%) ang nag-iisip na masyadong maraming oras ang nauubos para rito at wala silang sapat na oras para maglaro. Halos kalahati ng bilang na ito (18%) ang nagsasabing hindi naman ito interesante, at 8% ang nagsasabing hindi nila alam kung paano ito laruin.

Augmented Reality: ang kombinasyon ng virtual at tunay na mundo ang pangunahing dahilan kung bakit gusto ng mga player ang Pokémon Go

Halos 80% ng mga respondent (79%) ang nag-iisip na ang kombinasyon ng virtual at tunay na mundo ang dahilan kung bakit mukhang masayang laruin ang Pokémon Go. Kalahati ng mga respondent (50%) ang nag-iisip na ang game ay interesante dahil mag-eenjoy sila sa paglalaro nito at pamamasyal na rin sa labas ng bahay. Halos isang katlo sa mga respondent (34%) ang nagustuhan ang laro dahil sa sosyal na interaksyong kalakip ng paglalaro nito. Para sa higit isang kapat (28%), sinabi nilang noon pa man ay gusto na nila ang Pokémon at dahil sa game na ito, parang naging nostalgic ang pakiramdam nila.

Sa kabilang banda, sa 31% ng mga respondent na nagsabing hindi naman interesante ang laro, halos kalahati sa kanila (47%) ang nagsabing hindi nila makita ang layunin nito.  Halos 4 sa bawat 10 respondent ang nagsabing hindi sila naglalaro ng kahit na anong mobile game. Bahagyang higit sa isa sa bawat limang (22%) respondent ang nagsabing nag-aalala sila sa privacy at seguridad dahil kailangang gamitin ng mobile game ang mga function ng kanilang camera at geolocation.

Hindi lang basta "dahil uso"? Higit sa isa sa bawat limang taga-Asia ang nag-iisip na ang pagiging 'uso' ng Pokémon Go ay aabot ng hanggang isang taon

Isang kapat ng mga respondent sa APAC ay nag-iisip na ang pagiging 'uso' ng Pokémon Go ay aabot lang nga 4 hanggang 6 na buwan. 23% ng mga respondent ang nag-iisip na aabot ito ng mga 1 hanggang 3 buwan. 21% ng mga respondent ang nag-iisip na aabot ito ng 6 na buwan hanggang 1 taon. Isa lang sa bawat sampung respondent ang nag-iisip na ang pagiging 'uso' nito ay aabot ng higit sa 2 taon. 

I-click dito upang i-download ang infographic!