Para sa mga Tsino, mas nararamdaman nila na ang mundo ay may magandang pagbabago

Para sa mga Tsino, mas nararamdaman nila na ang mundo ay may magandang pagbabago
sa
sa

Ang Tsina ay halos dalawang beses na kasing lamang ng iba pang mga bansa na nagsasabing ang mundo ay umuunlad -- samatantala ang Australya naman ang pumapangalawa sa hindi pagsangayon dito  

Base sa iba't ibang indeks na maaring maging basehan, lumalabas na ang mundo ay patuloy na umuunlad. Sa karamihan ng lugar, ang tsansa ng mapatay ng kapwa, ang kahabaan ng buhay ng isang tao, ang kahirapan, ang demokrasya, at maging ang mga patakaran sa batas -- lahat ng ito ay nalinang at naging mas maayos na sa na nakaraang 200 taon. Subalit, sa mga naturingang mauunlad na mga bansa tulad ng UK at US, 65% ng mga tao (edad 18 pataas) ang nagsabi na ang estado ng mundo ay lalong lumubha. 

Base sa isang pananaliksik na ginawa ng YouGov kung saan ay may higit pa na 18,000 na katao ang lumahok, ipinapakita ng resulta na sa 17 na bansa, ang Tsina ang may pinakapositibong pananaw na ang mundo ay magkakaroon ng magandang kinabukasan. 41% ng mga Tsino na gumagamit ng internet ang nagsasabi na ang mundo ay nagiging mas maayos at maunlad -- ang bilang ng mga nagsabi na ito ay halos dalawang beses na kasing dami ng mga tao na may kaparehang pananaw mula sa pumapangalawang bansa sa listahan - ang Indonesya (23%). Ang bahagdan ng mga taong sumagot ng may positibong pananawa mula sa Tsina ay apat na beses na higit pa kumpara sa karaniwang resulta sa global na pamantayan (10%).

Base sa net score (ito ay ang score kapag tinanggal ang bahagdan ng mga taong nagsasabing lumulubha ang mundo mula sa bahagdan ng taong nagsasabing umuunlad ang mundo) - ang Australya ang pumapangalawa sa may pinaka negatibong pananaw (70% ang nagsabing lumulubha, 3% ang nagsabing umuunlad).

Ang pransya ang bansang may pinakanegatibong pananaw sa buong mundo kung saan may 81% ang nagsabing ang mundo ay lumulubha at 3% lamang ang sumuporta na ito ay umuunlad. Ito ay sa kabila pa ng pagkakaroon nila ng matibay na positibong pananaw patungkol sa European Union - base sa buwanang Eurotrack surbey sa 7 bansa ng YouGov kung saan ang kanilang net score ay nagbago mula -50 noong Pebrero 2015 at naging -26 pagdating ng Disyembre. 

Mayroong makikitang maliit na relasyon ang GDP per capita at ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa buong mundo -- ang US (53K GDP per capita) ay mas mayaman kumpara sa UK (42K GDP per capita) kahit na ang resulta ng dalawang bansang ito ay nagpahiwatig ng negatibong pananaw sa kinabukasan ng mundo (-59 at -56 na net score). Ang Australya na ikalawa sa listahan na may negatibo ding pananaw ay halos may 20 na beses ang higit kumpara sa Indonesya (bansang pumapangalawa sa listahan na may positibong pananaw) kung ang basehan ay ang pagkakaroon ng yaman para sa bawat tao (wealth per person). Sa kabilang dako, mayroong malaking puwang sa pagitan ng Tsina at iba pang mga bansa na nagsasaad ng katangi tanging kahulugan. Ang napakalubos na estado ng pagunlad ng Tsina, at ang pag-una sa pangangalaga ng kalusugan, pagkakaroon ng sukat na patuloy ang pagunlad, ang mga personal na layunin ng mga tao - ang maaring mga dahilan kung bakit maganda at positibo ang pananaw ng bansang Tsina tungkol sa kinabukasan ng mundo.

Pindutin upang makita ang kabuuang ulat sa wikang Ingles