Pinaka-hinahangaan sa buong mundo noong 2015: Angelina Jolie at Bill Gates

Pinaka-hinahangaan sa buong mundo noong 2015: Angelina Jolie at Bill Gates
sa

Mas hinahangaan sa buong mundo ang mga humanitarian kaysa sikat na mga leader tulad ni Barack Obama at Queen Elizabeth II, ayon sa bagong survey ng 25,000 tao sa 23 bansa

Simula nang magretiro bilang chairman ng Microsoft, nagbigay ng donasyon si Gates ng bilyun-bilyong dolyar ng kaniyang kayamanan sa pagsusulong ng oportunidad para sa pag-aaral at pagsisikap na tapusin na ang malubhang kahirapan sa buong mundo, karamihan sa pamamagitan ng foundation na itinatag niya kasama ng kaniyang asawang si Melinda Gates. Si Jolie, na nagkaroon ng matatag na career bilang isa sa mga aktres na tumatanggap ng pinakamataas na kita sa Hollywood ay nakilala rin sa pagtataguyod ng mapagkawanggawang mga simulain, lakip ang paglilingkod bilang Special Envoy para sa United Nations High Commissioner for Refugees.

Sa ibaba ng listahan ay mga lider ng iba't ibang bansa, mga sports star at iba pang mga kilalang celebrity.

Mag-click dito upang basahin pa ang tungkol sa top 20 ng pinaka-hinahangaan sa buong mundo noong 2015

Pinaka-hinahangaan sa Singapore noong 2015

Si Bill Gates ang pinaka-hinahangaang lalaki sa mundo ngunit sa Singapore, ang titulong iyan ay para kay Lee Kuan Yew. Si Mr. Lee ang una at pinakamatagal na naglingkod bilang prime minister sa kasaysayan ng bansa. Matapos bumaba sa puwesto bilang Prime Minister, nanatili si Mr. Lee sa pamahalaan at naglilingkod pa rin bilang miyembro ng pamahalaan hanggang sa ngayon. Angkop lang na sa pagdiriwang ng Singapore sa ika-50 taon ng pagsasarili ng bansa, itinuturing si Mr. Lee bilang ang pinaka-hinahangaang lalaki sa Singapore.

Si David Beckham, dating professional footballer, ang ikatlo at sinusundan ng bilyonaryong investor na si Warren Buffet (4) at Presidente ng US na si Barack Obama (5).

Si Angelina Jolie (isang aktres sa Hollywood na kilala sa kaniyang mga gawain sa pagkakawanggawa) ay ibinoto sa itaas ng listahan sa Singapore, bahagya lang na mas mataas kaysa sa politiko mula sa Myanmar na tumanggap ng Nobel Peace Prize na si Aung San Suu Kyi. Kilala para sa kaniyang pakikipaglaban nang walang karahasan para sa demokrasya at karapatang pantao, pinalaya si Aung San Suu Kyi mula sa house arrest noong 2010 at sa kasalukuyan ay miyembro ng parliament matapos manalo sa by-election noong 2012..

Ang singer na si Taylor Swift na kamakailan lang ay nagkaroon ng concert sa Singapore ang ikaapat, na sinusundan ng aktres na si Emma Watson at komedyanteng si Ellen DeGeneres habang ang British royalty na si Queen Elizabeth II (7) at ang Duchess of Cambridge (10) ay nasa listahan din.

Mag-click dito upang magbasa pa  kung paano namin ito ginawa