Bakit bughaw ang paboritong kulay ng buong mundo?

Bakit bughaw ang paboritong kulay ng buong mundo?
sa

Isang pandaigdigang survey ang nagsabi na ang bughaw ang pinakapopular na kulay sa 10 bansa sa 4 na kontinente -- kabilang ang Tsina.

Ano ang iyong paboritong kulay? Isa ito sa mga unang tanong na natututunang sagutin ng mga bata. Sinasabi ang kulay ay nakakaapekto sa moods, mga mood, gawi ng pagkain - kahit kung sino ang ating dine-deyt. Ito ay malappit na nakatalli sa nasyonal at pulitikal na pagkakakilanlan.

Ngunit isang YouGov survey na isinagawa sa 10 bansa sa 4 na kontinente ang nagsabing isang kulay - bughaw - ang pinakapopular sa lahat. Sa pagitan ng 23% (sa Indonesia) at 33% (sa Great Britain) ay gusto ang bughaw sa lahat ng kulay na pagpipiliin, na mayroong 8-18 puntas na lamang sa ibang kulay.

Ang pangalawang pinaka-popular na kulay ay iba-iba sa bawat lugar, bagama't palaging isa sa tatling kulay ang kabuilang: berde (pangalawa sa Thailand, Tsina, at Amerika), pula (sa Indonesia, Singapore, Germany at Britain), o lila (sa Hong Kong). Sa Malaysia at Australia, ang pula at lila at patas sa pangalawang pwesto.

Ang bughaw ay panalo kahit sa mga lugar tulad ng Tsina, na kung saan ang pula, dilaw, at berde ay sinasabing talagang pinakamaswerte (bagama't ang pagkakaiba ng bughaw at berde sa Ingles ay mas modernong pag-unlad para sa lengwaheng Intsik.

Demograpiko

Ang kagustuhan ay maaari ring i-filter ayon sa iba't ibang pangkat ng demograpiko sa loob ng na-survey na bansa.

Bagama't mas popular ang asul (blue) sa mga lalaki kaysa sa mga babae (Sa Estados Unidos, ang pagkakaiba ay 40% at 24%; sa England, 40% at 27%), may tendensya ang mga babaeng piliin ang asul nang mas madalas kaysa iba pang kulay. Hindi kataka-taka na mas popular ang pink sa mga babae kaysa mga lalaki ngunit kahit sa mga kababaihan, gusto lang ito ng humigit-kumulang 10-13% at hindi ito mas popular sa pula, violet o berde (green).  

Ang blue din ang panalo sa lahat ng pangkat ng edad at, sa Estados Unidos, kung saan ang mga respondent ay nakagrupo ayon sa lahing pinagmulan, mas gusto ang blue ng halos magkakatumbas na bilang ng mga puti (30%), itim (35%) at Hispanic (35%).

Malamang mas nakakagulat para sa isang bansa na karaniwang inilalarawan na binubuo ng pulang partido (Republican) at asul (Democrat) ng mga state, ang mga US Democrat at Republican ay halos parehong gusto ng asul (33% para sa mga Democrat) at 29% para sa mga Republican). Gayunman, 17% ng mga Republican ay gusto ng pula - dalawang beses na mas marami kaysa sa mga Democrat na gusto rin ito (8%). 

Ang mga survey ay isinagawa ng YouGov UK, YouGov Germany, YouGov America and YouGov Asia Pacific.Tingnan ang kumpletong GB at  US results.