RealTime


 

Ang RealTime research ang pinakasulit na solusyon para sa mabilis at mapagkakatiwalaang online pananaw o mga partikular na pangkat, sa pamamagitan ng aming nangunguna-sa-industriyang Omnibus at Targeted na mga serbisyo ng research.

Nag-aalok kami ng mga sagot na kailangan mo mula sa tamang audience, sa pamamagitan ng pag-interview sa kumakatawang sample ng mga adultong nasa edad na 18+. Maaari kang bumili ng kahit ilang indibiduwal na tanong na kailangan mo.

Ang aming ekspertong pangkat ay handang tumulong sa disenyo ng survey – ito man ay mula sa isang blangkong survey o maaari kaming maglaan ng mga standard na survey template para sa iba't ibang sitwasyon.

Para sa aming mga kliyente, maaari kang bumuo ng mga survey, panoorin ang mga live na resulta at pag-aralan ang mapagkakatiwalaang data nang mabilis at madali - garantisado mula sa RealTime. 

Bakit gagamitin ang YouGov?

Bilis

Magkakaroon ka ng wasto, representative, at mapamamahalaang mga sagot para sa mga hamon ng iyong negosyo, mula sa mga resultang makikita sa loob lang ng ilang araw

Kalidad

Mahigit 9 sa 10 kliyente ang nagrerekomenda sa YouGov*

Saklaw

Alamin ang pananaw ng malawak na cross-section ng lipunan mula sa aming high-profiled panel

Wasto

Ang reputasyon din namin ang nakataya rito, at nakikita naman sa record namin kung ano ang totoo**

*Ang YouGov ay may 93% advocacy rating, ayon sa Internal CSM data
**2017 UK general election, 2014 Scottish referendum – tingnan ang website para sa mga detalye

 

Pinakamahusay na Data at Teknolohiya

PANEL

Malawak na representasyon ng data sa YouGov Panel

Mula sa sarili nitong sopistikadong sampling technology at ugnayang batay sa tiwala at respeto sa loob ng mahigit nang isang dekada, taglay ng YouGov ang isang online na komunidad na milyun-milyong tao sa buong mundo na handang tumugon anumang panahon. Ibig sabihin nito, maaari mong maabot ang kahit na anong audience na gusto mo at makakakuha ka ng maaasahan at de-kalidad na data na mapagkakatiwalaan mo.

 

CRUNCH

Live na pagre-report at data interpretation sa pamamagitan ng YouGov Crunch

Ang Crunch ay ang online data visualization tool ng YouGov, na tumutulong sa mga kliyente na i-interpret at ipakita ang mahalagang data - sa simpleng paraan. Panoorin nang live ang paglago ng mga resulta ng iyong survey at gamitin ang aming simpleng interface para sa epektibong pag-aaral at pagtingin sa data. Maaari mo ring ipakita ang mga resulta mo gamit mismo ang tool, para sa mahahalagang stakeholder at sales meeting.

 

CUBE

I-access ang konektadong data sa YouGov Cube

Ang YouGov Cube ay ang konektadong data universe namin na may tuluy-tuloy na pakikipag-ugnayan sa mga miyembro ng YouGov panel. Mayroon itong tatlong mahahalagang dimensyon: mga tao - mga miyembro ng aming panel; mga variable - ang lahat ng indibiduwal na bahagi ng impormasyong taglay namin tungkol sa mga miyembro; at panahon - mahigit isang dekada ng historical data. Ang lalim at lawak ng aming data ay nangangahulugang madali naming matutukoy ang partikular na target na pangkat, at maaari mong pag-aralan ang iyong mga resulta hanggang sa pinakamaliit na sample o katangian.

 

 

Contact

Email: realtime.ap@yougov.com

Contact us

Want to know how your organization can be benefited from YouGov RealTime?