METODOLOHIYA:
Ang YouGov BrandIndex ay ni-rank gamit ang Buzz score, kung saan tinanong ang mga respondent ng “Kung may narinig kang kahit na anong advertisingm, balita o usap-usapan tungkol sa brand sa loob ng nakaraang dalawang linggo, positibo o negatibong bagay ba ang narinig mo?” Ang mga score ay mga net na score, kinalkula sa pagbawas ng porsiyento ng mga negatibong sagot mula sa porsiyento ng mga positibong sagot para sa bawat brand.
Ang Buzz Rankings chart ay nagpapakita ng mga brand na may mga pinakamataas na average na Buzz score sa pagitan ng Enero 1 at Disyembre 31, 2019. Nira-rank ng Buzz Improvers chart ang mga brand na may pinakamataas na paglaki ng Buzz, kung saan pinaghahambing ang mga score sa mga taong 2018 at 2019, at para maisama sa listahang Buzz Improvers, kailangang positibo ang pagkakaiba. Ang mga score ay kumakatawan sa adultong populasyon.
Ang lahat ng nakalistang Buzz score ay ni-round sa isang decimal place; pero gumamit kami ng karagdagang presisyon para magtalaga ng mga rank.
Lahat ng mga brand ay dapat subaybayan nang hindi bababa sa 6 na buwan para maisama sa ranking at dapat ay nasubaybayan nang hindi bababa sa 6 na buwan sa yugto ng nakaraang taong (at kasalukuyan ring sinusubaybayan) para lumabas ito sa 'movers' tables.