Tungkol sa YouGov


Naniniwala kami sa kapangyarihan ng pakikibahagi.

Simula sa umpisa, hinihimok kami ng simpleng ideya: Mas maraming tao ang nakikibahagi sa desisyon na ginawa ng mga institusyon na nagsisilbi sa kanila, mas magiging magandang ang mga desisyon.

YouGov People

Sa kaibuturan ng aming kompanya ay ang pandaigdig na online na komunidad, kung saan milyun-milyong tao at libu-libong pulitikal, pangkultura at pangkomersiyong organisasyon ang kabilang sa patuloy na usapan tungkol sa kanilang paniniwala, asal at brand.

Pinagsasama-sama namin ang patuloy na daloy ng data kasama ang aming malalim na kadalubhasahan sa pananaliksik at malawak na karanasan sa industriya, para bumuo ng mga teknolohiya at pamamaraan na nagpapahintulot sa mas sama-samang paggawa ng desisyon.

At nagbibigay ng mas tumpak, mas nakikitang larawan kung ano ang iniisip ng mundo.

Mga Produkto at Serbisyo

Kabilang sa programa ng produkto sa data ng pag-aari ang : BrandIndex, ang pang araw-araw na tagasubaybay sa pag-unawa sa brand; ang YouGov Omnibus, ang pinakamabilis at pinakasulit na paraan para makuha ang sagot mula sa bansa at napiling mga sample; ang Pulse, na sumusubaybay sa aktuwal na asal ng consumer online sa mga laptop, smartphone at tablet; at ang YouGov Profiles, ang bagong tool para sa pagpaplano sa media, paghahati at paghula.

Naglalathala kami ng maraming pinagsama-samang report, katulad ng taunang Pandaigdig na Survey ng Kayamanan at Kasaganaan, na nagbibigay ng malinaw na katalinuhan sa merkado sa hanay ng mga sektor ng industriya. Ang espesyalista din namin sa custom na pananaliksik ay nagsasagawa ng buong saklaw na pananaliksik batay sa dami at kalidad na iniayon para matugunan ang espesipikong mga pangangailangan ng aming mga kliente.